Home    About Us    Contact Us    Bidding    Job Vacancies    Downloads    Links    Site Map    Disclaimer    Privacy Policy


NPDC - “First Yakapalooza at the Park”
(February 1, 2013)

…Publiko, inanyayahan sa ‘free concert’ at “First Yakapalooza at the Park” sa Luneta.

HINIKAYAT kahapon ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) ang publiko na makisaya at ipagdiwang kasama ng kani-kanilang mga mahal sa buhay, pamilya, kaibigan, o ka-trabaho ang ‘araw ng mga puso’ sa pambansang parke ng Pilipinas o Rizal Park sa pamamagitan ng isang free concert at “First Yakapalooza at the Park”.

Ayon kay NPDC spokesperson Kenneth Montegrande, ang naturang event na nakatakdang i-organisa ng Blitz Communications Philippines (BlitzCom) at NPDC, kaagapay ang Unisilver TIME, Mario D’ Boro, Coca-Cola FEMSA Philippines, PLDT, Stage Crafts at Department of Public Works and Highways ay magsisimula sa ganap na alas-6 ng gabi sa mismong Valentine’s Day sa Musical Dancing Fountain sa pamamagitan ng inihandang libreng ‘concert at the park’ na dadaluhan ng mga Kapuso teen stars at iba pang mga sikat na banda at singer tulad nina; Bea Binene; Barbie Forteza; Julie Anne San Jose; Joshua Dionisio; Derick Monasterio; Enzo Pineda; DJ Joker mula sa Jeepney Music ni Allan Pineda; rap singer na si DCOY; Ikee; Jash Bagabaldo; at grupo ng Jazz performers na Jive Disciples; habang sina Radio DJ Rico Panyero at Lala Banderas ng 101.1 Yes FM naman ang magsisilbing host ng naturang event.

Inaasahan namang sabay-sabay na magbibigay ng “yakap” ang bawat miyembro ng pamilya, magkakaibigan, barkada, magkatrabaho, at ang mga magsing-irog upang ipadama ang kanilang pagmamahal sa ganap na alas-9 ng gabi na tatawaging “love hour” kung saan sasamahan ng countdown na pangugnunahan ni NPDC Executive Director Juliet Villegas at empleyado ng nabanggit na tanggapan 

Ayon kay Montegrande, layon umano ng BlitzCom at NPDC na tuloy-tuloy na mabigyan ng maayos at makabuluhang event ang publiko na kung saan ay magkakaroon ng quality bonding ang bawat miyembro ng pamilya, magkaibigan o magkasintahan.

“Ang Valentine’s Day ay isa sa mga mahahalagang okasyon na maaari nating ipadama ang ating  pagmamahal sa kapwa. Kaya nga sa pamamagitan ng First Yakapalooza at the Park ay mabibigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ipakita ang pagmamahal sa bawat isa. Bukod rito prayoridad ng pamunuan ng Rizal Park na maging instrument ang parkeng ito upang magkaroon ng quality bonding ang bawat pamilyang Pilipino, na siyang makapagpapatibay ng kanilang relasyon,” Ayon kay Montegrande. 

Bukod rito, idinagdag pa ng nasabing opisyal na ayon sa news report nitong nakalipas na January 23, 2013 na inilabas ng Daily Mail,  isang online news service sa Britain at United Kingdom na batay umano sa  pag-aaral na sisinagawa sa University of Vienna ang “yakap” na hindi bababa sa loob ng 20 segundo ay nakapagpapataas ng memory at nakapagpapa-baba naman ng stress level, at blood pressure ng isang indibidwal. Subalit maaari namang kabaligtaran ang maging hatid nito sa isang tao kung hindi bukal sa kanyang kalooban ang pag-yakap. 

“…scientist found that a hormone – oxytocin – is released into the blood stream when you hold a friend close. This lowers blood pressure, reduce stress and anxiety and can even improve your memory.”

 “…According to a research from the University of Vienna, you have to be, however, selective over who you hug. Giving a polite embrace to someone we don’t know well can have the opposite effect,” ayon sa report.

ARCHIVE

NPDC 50th Founding Anniversary
PRESS RELEASE | JANUARY 14, 2013
NPDC-PACS Delegation Calls on Phil ambassador in Vienna.
PRESS RELEASE | DECEMBER 3, 2012

Groups Cleanup Rizal Park of Trash after Black
Nazarene Vigil

ARTICLE │JANUARY 10, 2012 - 7:37AM | BY CBCPNEWS

 
Rizal Park Ready to Accommodate Millions of Black Nazarene Devotees
PRESS RELEASE
NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE
January 6, 2012
Mascorade
NPDC Photo Release
Unity for the Country
NPDC Photo Release
No Shoot Policy at Rizal Park and Intramuros
DOT Media Release Nov 2011
Fun Run Set at Rizal Park to Mark "Universal Children's Day"
Halamanang Pinoy: Alay Kay Dr Jose Rizal @150
by
NPDC Park Relations and Management Division
Filipinos brave rain to offer flowers to Rizal at Luneta
GMANews – Sun, Jun 19, 2011
Luneta gets facelift in time
for Rizal's 150th birthday

abs-cbnNEWS.com

Posted at 04/03/2011 7:04 PM | Updated as of 04/04/2011 10:13 AM
Rizal Park Management with DOT Successfully Launched the Newly Restored Rizal Park Relief Map
Ready to Serve and Protect
by
NPDC Media Information Bureau
Clean and Decent Vending Area for Rizal Park Peddlers
Provided by NPDC

by
NPDC Media Information Bureau
Rizal Park Renaissance Salutes Heritage, Draws Crowds Anew
by DOT Media Release 2011
Rizal Park Employees in Boodle Fight
by Ken Montegrande
FEU Volunteers at Rizal Park
by Ken Montegrande
Restoration of Rizal Park Lauded by Diplomats
by Ken Montegrande
2011 Chinese New Year Countdown
by Lia Ocampo
Manila : Philippines | Feb 02, 2011
Chinese New Year at Rizal Park
Journal Fotogs Rule Rizal Park Photo Contest 500,000 party at spruced up Rizal Park
First posted 03:48:05 (Mla time) January 02, 2011 Philippine Daily Inquirer
Rizal Park Musical Dancing Fountain Rizal Park New Year Countdown to 2011
(Pilipino Star Ngayon) Updated December 28, 2010


Events
 


Get Involved
 


Visitor's Guide
 


Online Services